
Oo, Tanggap Ko NaAng panahon ko sa skwela, dun ika'y unang nakitaOo, Tanggap Ko Na by ~justdudel
Ika'y aking nakasama nung ako'y nag-iisa
Isang bagong kaibigan, ito'y aking natagpuan
Ika'y biglang lumiwanag sa panahon ng karimlan
Tuwing ako'y lumuluha, ikaw ay 'di nawawala
Sa aking pangangailangan, ako ay 'di nangulila
Pagkakaibigang tunay, ito ang aking natamo
Nang ako ay mailawan sa piling ng 'sang tulad mo
At nagdating ang panahon, na ang puso ko'y tumawag
Ang pag-ibig na tinago ay hindi kaya mabuwag
Ang puso kong nag-iisa, nahulog na sa 'yong mata
At ako'y 'yong napaibig, magpakailanmang gunita
Ikaw ay aking minahal ng hindi mo nalalaman
Ang pag-ibig ko ay tago, hindi bale